Mga traysikel, bawal na sa mga nat’l roads: DILG

Mga traysikel, bawal na sa mga nat’l roads: DILG

February 20, 2020 @ 1:23 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ipinagbawal na ng pamahalaan ang pagdaan ng mga tricycle sa national highways upang subukang linisin ang kalsada at siguruhin ang kaligtasan ng publiko.

Inutusan ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng tricycle route plan at task force sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-036 ng Department of Interior and Local Government na inilabas nitong Lunes.

Dapat isagawa ang tricycle route plan sa loob ng 30 araw pagkalabas ng memorandum, ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III.

“Matagal na nating ipinagbabawal ang mga tricycles at pedicabs sa national highway ngunit ang daming pasaway. Hindi lang ito nakakasagabal sa daan kundi nagiging sanhi ng sakuna sa kalye,” pahayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año nitong Miyerkules.

“Kaya dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at ang pulis at siguruhing maipapatupad ang ban na ito.”

Iisyuhan ng show-cause order ang sinumang lumabag sa memorandum, ayon sa DILG. Sinumang lokal na opsiyal ang mabibigong magbigay ng “sufficient response will face administrative charges, dagdag pa nito.

Sinabi ni Densing na maaaring dalhin direkta sa Office of the President para sa parusa ang mga opisyal ng mga highly urbanized na siyudad at lalawigan habang mahaharap naman sa kaso ang mga municipal mayors.

“Importante ang disiplina at dapat ang mamuno ang mga mayor diyan,” giit nito.

Nasa 12 alkalde ang humaharap sa kaso matapos mabigong sumunod sa direktiba ng DILG na magsagawa ng clearing road operation, pahayag pa ni Densing. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Loading...