Home HOME BANNER STORY Mga tropang nasaktan sa Lanao del Sur clash, kinilala ni PBBM

Mga tropang nasaktan sa Lanao del Sur clash, kinilala ni PBBM

MANILA, Philippines – KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabayanihan at katapangan ng apat na combat-wounded troops na may mahalagang papel sa kamakailan lamang na operasyon laban sa Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) sa naging pagbisita ng Chief Executive sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City, ngayong araw, Pebrero 12, 2024.

Matatandaan na ang apat na operating troops mula sa 3rd Scout Ranger Battalion ay nagtamo ng pinsala sa panahon ng serye ng mga labanan kontra sa DI-MG members noong Enero 25 hanggang 26 sa Barangay Tapurong, Piagapo, Lanao del Sur.

Matagumpay na neutralized ng army troops ang 9 na DI-MG members kabilang na ang mga suspek sa MSU-Marawi bombing sa nasabing perasyon.

Kasama ni Pangulong Marcos ang Kalihim ng National Defense na si Gilberto C. Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., at Army Chief Lt. Gen. Roy M. Galido, personal na ikinabit ang Gold Cross Medals sa dalawang sugatang tropa bilang pagkilala sa kanilang katapangan sa pagkilos.

Nagkaloob din ang Pangulo ng Military Merit Medals (MMM) na may Bronze Spearhead Device sa dalawang iba pang sundalo para sa kanilang mahalagang papel sa naturang operasyon.

Matatandaan na 9 na di-umano’y Dawlah Islamiyah Group ang namatay sa bakbakan sa pagitan nito at tropa ng pamahalaan sa Piagapo.

Ang mga nasawi ay sina Saumay Saiden – o mas kilalang bilang Ustadz Omar, Abu Omar, at Saumay – isa sa apat na primary suspects na di umano’y sangkot sa Mindanao State University (MSU) bombing noong Disyembre 2023.

Naiulat din na nasawi si Abdul Hadi, kilala rin bilang Hodi Imam at Abday’N – na bumuo ng improvised explosive device na ginamit sa MSU bombing. Kris Jose

Previous articleTaripa sa e-motorcycles pinaaalis ni Salceda
Next articleNadine, natupad ang pangarap na maging action star!