MANILA, Philippines – Mahigit 100 trak ang nagtipon-tipon sa bahagi ng Anda Circle sa Bonifacio Drive nitong Biyernes, Hulyo 21 bilang pagtutol sa dagdag na toll rates sa North Luzon Expressway.
Ayon sa truckers group, hindi makatarungan ang toll hike at hindi ito patas sa mga motorista lalo na sa lumalalang kondisyon ng mga kalsada.
Idinaing din nila ang timing ng toll hike na hindi napapanahon kasunod ng direktiba ng pamahalaan na bawasan ang logistics costs dahil makaaapekto ito sa inflation.
Ang toll hike ay ipinatupad noong Hunyo 15. RNT/JGC