Mga unggoy sa Thailand, dumagsa

Mga unggoy sa Thailand, dumagsa

June 26, 2020 @ 9:00 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Thailand – Dinagsa ng mga unggoy ang Lopburi, Thailand kung saan ginawa na itong tirahan at patuloy naman ang bilang ng pagdami.

Sa Twitter post ng Agence France Presse, sinabing madalas nang makikita sa kalye ng Lopburi ang mga unggoy na naghahabulan para makakuha ng pagkain.

Libo-libo rin ng mga unggoy ang naninirahan sa Khmer temple.

Dahil sa mga unggoy, ilang nakaparadang sasakyan ang nasisira habang nagkalat ang mga basura sa lansangan, at napuwersang magsara ang ilang mga negosyo.

Kasabay nito ay patuloy naman dumarami ang populasyon ng unggoy.

“It affects their health when they eat human food. The more they eat, the more energy they have, and they don’t know what to do with that energy so they reproduce,” pahayag ni Pramot Ketampai, namumuno sa Phra Kan temple.

Pinamahayan na rin ng mga unggoy ang isang abandonadong sinehan, kung saan sila nag-aaway-away para sa kanilang mga tribo.

Samantala, ikinasa na ng mga awtoridad ang pag-sterilize at pagkapon sa mga unggoy para makontrol ang kanilang populasyon. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...