Home HEALTH Mga yosi pang-museum na – PMI CEO

Mga yosi pang-museum na – PMI CEO

672
0

INILARAWAN ni Jacek Olczak, chief executive officer ng isang kompanya ng sigarilyo na PMI ang sigarilyo bilang “historical artifacts” na nabi-bilang sa museo at da-pat pinapalitan ng hindi gaanong nakapipinsalang alternatibo.

Sa pagsasalita ni Olczak sa “global media, politicians and policymakers” sa UnHerd Club sa London no-ong Mayo 23, 2023, hiniling nito sa mga bansa sa buong mundo na sundan at tularan ang halimbawa ng mga bansang Sweden, Japan at U.K. sa pag-adopt sa polisi-ya na nagbibigay sa adult smokers na ayaw tumigil sa paninigariyo ng malawak na pagpipilian na alternatibo sa patuloy na paninigarilyo upang sa gayo’y may mas mahusay na pagpipilian at ang sigarilyo’y maging “historical artifact.”

Sinabi pa nito na ang “ci-garettes belong in museums”, at ang kasalukuyang polisiya para bawasan ang paglaganap ng paninigarilyo ay hindi gumagana ng mabilis at maaaring mapatagal pa ang paninigarilyo.

Si Olczak, lumikha ng bagong hypothetical model batay sa “data, estimates and methods” ng World Health Organizaton ay nagpahayag na “even if smoke-free products were only 80 percent less risky than ciga-rettes, if people who currently smoke were to switch to them completely, then over their lifetime there’s a potential for a tenfold reduction in smoking-attributable deaths compared with historical tobacco control measures alone.”

Tinuran pa nito ang walang katotohanang kabalintunaan na ang smoke-free products ay banned sa ilang bansa habang ang sigarilyo sa kabila ng “far grea-ter risk of harm” nito ay maa-ari pa ring mabenta.

Sinabi pa ni Olczak na “while this model has limitations and is built on assumptions, the public health cost of ignoring the potential of smoke-free products could be immense.”

Taong 2016, nangako ang PMI na didistansiya na mula sa sigarilyo.

Sa katunayan, namuhu-nan ang nasabing kompanya ng mahigit sa US$10.5 billion “as of March 31, 2023” simula 2008 para i-develop at gawing komersyalisado ang smoke-free products kung saan sa ngayon ay may 35% ng kabuuang net revenues ng kompanya.

Sinabi ni Olczak, bawasan ang paninigarilyo ang misyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng “less harmful alternatives” at ga-wing “obsolete” ang sigarilyo.

Gayunman, sinabi nito na ang kakayahan ng PMI na isulong ang misyon na ito ay bigo dahil sa kombinasyon ng “blind opposition” mula sa anti-tobacco organizations at “overreliance” ng gobyerno sa tinatawag na precautionary principle, na ang pakahulugan o interpretasyon ng ilan ay “better not to do anything until we know everything.”

Hinamon naman ni Olczak ang anti-tobacco organi-zations na baguhin ang kani-lang pag-iisip, itigil na ang pagharang sa pagbabago at makipagtulungan na lamang tungo sa iisang layunin at ito ang makamit nang mabilis ang smoke-free future.
“We’ve all heard the line, ‘Insanity is doing the same thing over and over again and expecting different results.

Despite often restrictive regulations, high product pri-ces, marketing bans, and packaging designed to discourage buying, today public health data show that a billion people worldwide choose to smoke. Not to menton public health campaigns—and even companies like mine—urging peo-ple not to smoke,” ang wika pa rin ni Olczak.

Aniya pa, ang pananatili ng mataas na smoking rates sa buong mundo ay patu-nay lamang na ang kasalu-kuyang approach o atake para tuldukan ang paggamit ng sigarilyo ay hindi gumagana nang mabilis at gayon pa man ang pinakakaraniwan na tugon sa problema ay higit pa sa kahalintulad.

Sinabi pa ni Olczak na “It’s time to try something else.

To try a more inclusive and innovative approach, one that has been proven in several countries around the world and that has the potential to significantly accelerate an end to cigarettes.” RNT

Previous articleMAGBAKWIT NA LABAN SA SUPER TYPHOON
Next articleEmergency loan funds siniguro ng GSIS sa hagupit ni #BettyPh

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here