Home NATIONWIDE MIAA: Bilang ng pasahero sa nitong Nob. 2023 sumasalamin sa pre-COVID figures

MIAA: Bilang ng pasahero sa nitong Nob. 2023 sumasalamin sa pre-COVID figures

MANILA, Philippines- Nag-ulat ng 23 porsyentong pagtaas ng mga pasahero nitong Nobyembre ngayong taon o 3,813,781 domestic at international na mga pasahero kumpara sa parehong panahon noong 2022.

Sinabi ng MIAA na ang nasabing bilang ay sumasalamin sa 97 porsyento ng mga bilang ng pasahero noong Nobyembre 2019.

Sa datos ng MIAA, nakapagtala ng 2,019,882 domestic at 1,793,899 international travelers.

“NAIA saw a strong increase in flight movement last November, exceeding the records of both 2022 and 2019,” sabi ng MIAA.

“The 24,120 commercial, cargo, and utility flights—14,520 domestic and 9,600 international—manifest a 13% increment from November 2022 and a 7% growth from November 2019.”

Sinabi ni Officer-in-Charge Bryan Co na ang NIA ay mahusay na nakaposisyon upang matugunan ang year-end projection na 45 milyong pasahero at 275,000 na flight.

“Our confidence is fueled by the impressive 11-month totals, in which we have already accommodated 41,213,734 passengers and 254,174 flights at NAIA, and the anticipated passenger surge during the festive season in December,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon sa MIAA, ang pagtaas ng trajectory ng NAIA ay sinuportahan pa ng makabuluhang pagpapabuti sa commercial airline on-time performance (OTP).

Binigyang-diin ni Co kung paano nagkaroon ng outstanding OTP ratings ang nangungunang tatlong lokal na carrier: AirAsia Philippines sa 77 percent, Cebu Pacific Air (kasama ang Cebgo) sa 83 percent, at Philippine Airlines (kabilang ang PAL Express) sa average na 84 percent noong Nobyembre.

“The exceptional OTP of our major local airlines, accounting for 81% of all flights at NAIA, is truly commendable. This impressive performance not only demonstrates their dedication to operational excellence but also significantly enhances the overall efficiency of our airport system,” ayon pa sa opisyal ng MIAA. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleP510K shabu nasamsam, 2 suspek arestado
Next articleZubiri kay PBBM: Chinese envoy pauwiin na sa Tsina kasunod ng pambomba sa PH supply ship