Manila, Philippines – “What a dream! This means so much to me!”
Ito ang naibulalas ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee pagkatapos bigyan ng replica ng korona ng nasabing napanalunang title.
Tinatawag itong La Me en Majestè o Sea Majesty crown.
So far, sila pa lang ng last year’s MUPH winner na si Celeste Cortesi ang nakapagsuot nito.
Ito ang precursor ng Filipina crown na ipinutong kina Rabiya Mateo at Beatriz Gomez.
Gawa ito sa 17 South sea golden pearls.
Tinatayang nagkakahalaga ito sa pagitan ng 3 at 5 milyong piso.
In her Instagram Stories, ipinost ni Michelle that in case the public doesn’t know, ang La Me en Majestè crown ay hindi maaaring ariin ng nanalong MUPH.
Ito’y ipinapasa sa susunod na winner.
Mismong si Michelle Dee raw ang nag-request nito sa pamunuan ng MUPH dahil sa hard work na ipinamalas niya “to get this far.”
Iniabot sa kanya ang nasabing replica sa isang intimate dinner na dinaluhan nina creatives at events director Jonas Gaffud at communications director Voltaire Tayag.
Dahil sumisimbolo ng sakripisyo ang korona’y ganu’n na lang ang pasasalamat ni Michelle dahil malaking bagay ito sa kanya to validate her arduous journey on her road to finally making it as the newly crowned MUPH.
Nakatakdang lumaban si Michelle sa Miss Universe na gaganapin sa El Salvador.
Binigyan naman siya ng tip ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Good luck, Michelle. May you bring home the fifth Miss Universe crown! Ronnie Carrasco III