Home ENTERTAINMENT Michelle Dee, pinutakti ng basher; Rhian, nadamay!

Michelle Dee, pinutakti ng basher; Rhian, nadamay!

747
0

Manila, Philippines – Hindi raw karapat-dapat kinoronahang Miss Universe Philippines si Michelle Dee na kinatawan ng Makati.

Ito’y ayon sa ilang pageant fans na obyus na ibang kandidata ang sinusuportahan partikular na si Pauline Amelinkcx ng Bohol.

May favoritism umanong pinairal ang pamunuan ng MUP sa taong ito.

Kabilang sa mga tumayong hurado ay si GMA Worldwide, Inc. President Anette Gozon-Valdes, Miss Universe R’Bonnie Gabriel at Miss Universe 1973 Margarita Moran.

Malakas ang paulit-ulit na sigaw ng “Bohol!” bilang suporta kay Pauline na tinanghal namang Miss Supranational Philippines.

Sinisilip ng mga anti-Michelle pageant fans ang pagiging hurado ni Gozon-Valdes.

Si Michelle kasi ay kabilang sa mga Sparkle artists ng GMA.

Bukod dito, maging ang napiling magtanong ni Michelle na si Tutok To Win partylist Reprrsentative Sam Versoza ay nasilip din.

Ang napuntang tanong kay Michelle mula sa mambabatas ay: “Income and inequality is high in the Philppines. The gap between the rich and the poor remains. How do you close the gap?”

Bagama’t maayos namang nasagot ni Michelle ang tanong, hindi naiwasang mabahiran ng intriga ang pagiging isa sa mga judges ni Versoza.

Ang kasalukuyan kasing nobya ng mambabatas ay si Rhian Ramos na roommate ni Michelle Dee.

Ayon pa sa mga ‘di masaya sa pagkapanalo ni Michelle, ‘di hamak daw na mas marami ang nakuhang special awards ni Pauline kesa sa kanya.

Iginiit naman ng marami ang kaparehong kaso ni Herlene Budol nang sumali sa Binibining Pilipinas noong isang taon.

Bagama’t nahamig ni Herlene ang maraming special awards, first runner-up lang ang puwesto niya.

Bago ang naturang coronation night sa SM Mall of Asia Arena nitong May 13, Sabado ay inalmahan na ni Michelle ang ginagawang pagsasabong sa kanila ni Pauline, saying: “We’re sisters!” Ronnie Carrasco III

Previous articleMother’s Day! sa Sunday Market!
Next articleHalos 60K Pinoy, nabenepisyuhan sa P400M medical assistance

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here