Home ENTERTAINMENT Michelle, may kakaibang intro!

Michelle, may kakaibang intro!

Manila, Philippines – Tiyak na maninibago ang mga Pinoy pageant aficionados sa kakaibang intro speech na gagawin ng ating pambato sa ika-72 Miss Universe na si Michelle Dee.

Ayon sa Unang Balita nitong November 14, Martes ay may bahagyang pagbabagong gagawin si Michelle pagating sa kanyang pagpapakilala.

Ipinakita sa nasabing programa ang maikling video kung saan ineensayo ni Michelle ang kanyang intro.

Maikli at kakaiba nga ito sa nakasanayan na nating mga nakatutok taun-taon sa Miss Universe.

Ganito kaigsi pero may impact na intro ng ating kandidata: “Michelle Deeā€¦..Pilipinas!”

Mapapansing walang masyadong “palabok” ang naturang intro.

Sa halip din na Philippines ang babanggitin niya’y Filipino equivalent nito ang kanyang gagamitin.

Samantala, nagbigay na ng hint o pahimakas si Michelle sa nakakaintriga niyang national costume.

Karaniwang naka-natcos ang lahat ng mga kandidata sa kanilang pagpapakilala.

llang paraan ang ginagawang paghahati-hati sa kanila.

Either they are arranged alphabetically or clustered according to region.

Sa mga kandidata sa Asya, ang mga matutunog ay ang Miss Philippines, Miss Thailand at Miss India.

Kamakailan ay sinabi ni dating third runner-up sa MU na si Shamsey Supsup na “powerhouse” na maituturing ang Pilipinas pagdating sa mga international beauty pageant.

Ang MU ay idaraos sa San Salvador, kabisera ng El Salvador sa November 18.

Inaasahang maiuuwi ni Michelle ang ikalimang MU crown.

Batay sa ilang polls, maganda ang ranggo ni Michelle. Ronnie Carrasco III

Previous articleNebrija nag-sorry kay Sen. Revilla sa ulat na paglabag sa Edsa busway
Next articleDigong pinagpapaliwanag sa grave threat complaint na inihain ni Castro