Manila, Philippines – Sabi nga ng American essayist: “Dignified silence is the best reply to slander!”
Hindi man marahil napasadahan ni Derek Dee ang naturang sanaysay ay obyus na ito ang pinairal niyang attitude sa mga bashers ng kanyang anak na si Michelle Dee.
Daughter of Derek with former partner Melanie Marquez, Michelle is the country’s bet to the 72nd edition of Miss Universe.
Gaganapin ito a Jose Adolfo Pineda Arena sa San Salvador, kabisera ng El Salvador sa November 18.
Target kasi ng walang puknat na pamba-bash si Michelle ng ilang Thailand pageant fans.
Lilinawin lang namin na ilan lang ‘yon mula sa Asian neighbor ng Pinas na siyempre’y understandably in support of their Thai candidate.
Ipinamamalita umano ng mga ‘yon na kaya raw nangangabog ang ganda ni Michelle ay retokada raw ito.
Dahil wala naman itong katotohanan, hindi raw ito pinag-aaksayahan ng panahon ni Michelle para patulan.
Siyempre, more than anybody else ay si Michelle lang ang may alam there’s absolutely no tinge of truth sa ipinalalabas ng ilang Thai fans.
Ang dapat sana’y numero unong to the rescue kay Michelle who are her parents Derek and Melanie ay ayaw ring pumatol.
Tahimik lang daw si Derek, na kahit noon ngang aktibo noon bilang producer ng Omni Films ay never nasangkot sa mga intriga sa showbiz.
As we write this, papunta na rin sa naturang host country si Melanie to give moral support to Michelle.
Knowing Melanie na sanay na sa mga showbiz intriga, maraming nagsasabi na “babaklain” lang daw nito ang isyu sa anak.
Dito naman sa atin, kinakikiligan ng mga netizens ang galawang LGBTQIA+ ni Michelle sa tuwing may ka-holding hands siya na kapwa kandidata.
Hindi lingid sa mga local pageant aficionados ang pag-amin ni Michelle na miyembro siya ng nasabing komunidad.
To be very specific, ayon mismo kay Michelle, she considers herself as “pansexual.”
Ang tinatawag na pansexual ay isang uri o layer kung saan wala itong pinipiling kasarian as far as his or her preference bilang karelasyon is concerned. Ronnie Carrasco III