Home ENTERTAINMENT Miel, nanermon sa stretch mark, sinupalpal ang netizen!

Miel, nanermon sa stretch mark, sinupalpal ang netizen!

Manila, Philippines- Ginamitan ng scientific basis ang ginawang pagsupalpal ni Miel

Pangilinan sa isang nagmamarunong na netizen tungkol sa stretch marks.

Si Miel ang pangalawang anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

On TikTok, ipinasilip ni Miel ang kanyang mga “kamot” o stretch marks or stripes in one of her outfit videos.

Tinawag ni Miel na “normal” lang ang pagkakaroon ng mga ito.

Umapela naman ang isang user na ‘di sang-ayon sa sinabi ni Miel.

Katwiran ng user, hindi raw normal ang pagkakaroon ni Miel ng mga kamot lalo’t hindi pa ito nakakapanganak.

Dito na nanermon si Miel sa pamamagitan ng pagbibigay ng “science lesson” through screen shots hango sa kanyang mabilisang Google search.

Buwelta ni Miel sa user: “Ang dali lang mag-Google. Papansin ka lang!

“Next time, do your research!”

Ayon sa nakalap na impormasyon ni Miel, “stretch marks are scars of the skin’s inner layer.”

Sumang-ayon naman kay Miel ang dalawang doktor.

Anila, parang goma raw ang balat natin na pag nabanat ay bumabalik sa dati.

Ito’y dahil merong elastic fibers ang balat.

Maaari itong mangyari during pregnancy o puberty.

Edad lima hanggang 50 ang maaaring magkaroon nito.

‘Yun nga lang, unfortunately, stretch marks are permanent.

Pero on the bright side, “changing” o nagbabago na raw ang pananaw ng tao ukol dito.

Sa katunayan, ang mga tulad nina Iya Villania-Arellano, Sarah Lahbati at Andi Eigenmann ay proud pang pine-flex ang kanilang stretch marks sa social media.

Back to Miel, siya ang self-confessed queer na anak ng Megastar.

Bagama’t nagulat sila sa ginawang pag-amin ng anak, tanggap nina Sharon at Kiko ang pagiging miyembro ni Miel ng LGBTQIA+ community. Ronnie Carrasco III

Previous articleUnang kaso ng nalunok na watusi ngayong taon, naitala ng DOH
Next articleCOVID positivity rate sa NCR bahagyang tumaas – OCTA