Home NATIONWIDE MIF bill, kinuwestiyon ni Pia sa exemption ng fund manager sa Salary...

MIF bill, kinuwestiyon ni Pia sa exemption ng fund manager sa Salary Standardization Law

435
0

MANILA, Philippines- Matinding pinalagan ni Senador Pia Cayetano ang isang probisyon sa panukalang Maharlika Investment Fund bill na magiging exempted ang fund managers sa Salary Standardization Law (SSL).

Sa ikatlong araw ng deliberasyon ng panukala sa plenaryo, kinuwestiyon ni Cayetano ang pribelihiyon na ibibigay sa opisyal ng Maharlika Investment Corporation (MIC), pero hindi binibigyan ng mas mataas na sahod ang healthcare workers sa mahabang panahon dulot ng government pay scale.

“If I am going to provide for one exemption it will be for health workers, your honor,” ayon kay Cayetano.

Hindi ba dapat yun ang unahin natin? Bakit itong fund pwedeng may exemption samantalang yun, pahirapan?,” giit pa ng senadora.

Kaya’t hiniling ni Cayetano kay Senador Mark Villar, isponsor ng panukala na kung bukas ito sa pagtatanggal ng naturang probisyon.

Pero, sinabi ni Villar na naghahandog ng MIC ng competitive rates upang makalap ng “best people” na mamamahala sa Maharlika fund at “give the government the best return on its capital.”

“Ang solusyon sa mababang suweldo ang kailangan natin payamanin ang ating bayan, kailangan natin ng mga income-generating sources. And sa tingin ko ang Maharlika po ay isang income-generating source para sa gobyerno,” ayon kay Villar.

Umaasa naman si Cayetano na walang government owned and controlled corporation na sangkot sa social services na mamumuhunan sa Maharlika fund, dahi hindi ito risk-free.

Binanggit nya ang savings ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na umabot ₱75 billion ang nakadeposito sa Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.

“In effect, it would be part of the pool where the Maharlika fund’s initial capitalization would come from. Land Bank will contribute ₱50 billion, while the DBP will lodge ₱25 billion,” aniya.

“Ikaiiyak ba nila kung naging super successful ang Maharlika bill, sasabihin ba ng board ng SSS, GSIS na sayang…Yes maybe, pero naman, ikalaluluhod nila at ikamamatay nila kung malugi yun,” ayon kay Cayetano.

Ayon kay Villar, mahusay na investment ang Maharlika Fund.

“If there’s an appetite for that, I don’t think we should ban funds for putting a little investment for the Maharlika fund,” aniya. Ernie Reyes

Previous article6 arestado sa sinalakay na refilling gas plant
Next articleDBM naglabas ng higit P7.68B para sa targeted cash transfer program ng DSWD

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here