Home ENTERTAINMENT Mike Tan, pinaiyak ang anak!

Mike Tan, pinaiyak ang anak!

Manila, Philippines- Breath of fresh air para kay Mike Tan ang kontrabida role niya sa upcoming serye na Love.Die.Repeat ng GMA-7.

Madalas kasing leading man at mabait na roles ang natotoka sa kanya sa mga serye.

Aniya, this time, gusto raw naman niyang karerin ang pagiging anti-hero.

Hirit pa niya, naniniwala raw siyang makakatulong ito sa ebolusyon niya as an actor.

Bilang pamilyadong tao, inamin din niya na hindi pa rin naiintindihan ng kanyang mga anak ang kanyang trabaho bilang aktor.

Katunayan, ang anak daw niyang babae ay umiiyak tuwing napapanood siya sa telebisyon.

Kailangan pa nga raw niyang ipaliwanag sa supling na umaarte lang siya at di siya ang napapanood nito sa small screen.

“‘Yung panganay ko, every time na nakikita niya ako sa TV, umiiyak siya,” ani Mike.

“Siguro nakikita niya kasi ako na may kasamang ibang babae, or minsan nakikita niya ako malungkot, galit, o umiiyak dun sa scene kaya ayaw niya,” dugtong niya.

Challenging din daw para sa kanya at sa kanyang misis ang magpaliwanag sa kanilang mga anak.

“Medyo mahirap himayin, lalo na kung bata kasi kailangan mo talaga siya himayin na maiintindihan nila kung ano ‘yung sinasabi mo,” bulalas niya.

“I think, nakokonek namin ‘yun kasi alam nila ‘yung pretend play, eh, so ang lagi ko sinasabi is ‘Dad is just acting, it’s like I’m just pretending to be someone else,'” dugtong niya.

Ang Love.Die. Repeat ay pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim. Archie Liao

Previous articleShawie ‘pinugutan’ ang sarili!
Next articleVina, di sure sa bagong jowa!