Home SPORTS Mikey Williams tumugon sa notice of termination ng TNT – Jolas

Mikey Williams tumugon sa notice of termination ng TNT – Jolas

Isiniwalat ni TNT head coach Jojo Lastimosa ang pinakabagong pag-unlad sa mga pakikipag-ugnayan ng koponan kay Mikey Williams at sa kanyang kampo sa gitna ng matagal nang hindi pagkakasundo.

Nakausap ni Lastimosa ang mediamen noong Lunes ng gabi kung saan siya ay tinanghal bilang Executive of the Year.

“Na-serve na ‘yung [notice of] termination (kay Mikey Williams). I think he already reply. I think the PBA sent him a letter already about his termination.

“‘Yung TNT still hold his rights,” ani Lastimosa.

“Si Mikey, ang balita namin, he was able to respond and ‘yung response niya is pinadala sa TNT which I don’t know kung ano ‘yung laman ng response. I don’t know,” dagdag pa nito.

Ibinahagi din ni Lastimosa kung paano patuloy na nangunguna sa mga talakayan si PBA board chairman Ricky Vargas, bagama’t kasalukuyang nakararanas ng ‘flu-like symptoms.’

“Sir Ricky Vargas is handling it and our lawyers are (on it). Si Mr. Vargas, ang dami niyang trabaho grabe.

“Grabe ang trabaho niya. He had three meetings today and one seminar. May flu-like symptoms daw siya. The guy is 70 years old and he’s still working like a horse,” wika ng TNT head coach.JC

Previous articleNBA: 39,000 points naabot ni LeBron
Next articleP303.5M badyet inaprubahan ng DBM sa konstruksyon ng 120 klasrum sa 21 lugar