Home ENTERTAINMENT Miles, di nabanggit ang pangalan sa MMFF, wagi!

Miles, di nabanggit ang pangalan sa MMFF, wagi!

Manila, Philippines- Let’s face it, mabuti na lang at hindi pa gaanong kalakihang artista si Miles Ocampo.

Pero pasasaan ba’t her star will shine lalo pa’t Miles got her first acting award at the 49th Metro Manila Film Festival.

Nagwagi ang E.A.T. host as Best Supporting Actress for Family of TWo.

Miles bested Agot Isidro, Gloria Diaz, Janella Salvador and Alessandra de Rossi.

Bale ba, the assigned presenter sa nasabing kategorya na si Kaladkaren failed to mention Miles’ name among the nominees.

Kaladkaren could get away with her boo-boo dahil compared sa mga tinalo ni Miles, she’s the “smallest” star.

Miles is also the youngest of them all.

Good thing, pinalampas lang ni Miles ang pagkakamaling ‘yon ng presenter.

In her acceptance speech, sinabi ni Miles na anim na taon pa lang siya noong magsimula sa showbiz.

“Twenty seven na ako next year. Ito ang first acting award na natanggap ko. Ganito pala ang feeling ng isang artista,” ani Miles.

Kung hindi sana sila nag-break ni Elijah Canlas, theirs is a romantic pair na parehong mahusay sa aktingan. Ronnie Carrasco III

Previous articleTrike driver patay sa bangga ng traktora
Next articleIndonesian students nagprotesta sa pagdagsa ng Rohingya sa kanilang probinsya