Home NATIONWIDE ‘Million Learners and Trees’ sa Cebu pinangunahan ni VP Sara

‘Million Learners and Trees’ sa Cebu pinangunahan ni VP Sara

488
0

BINIGYANG diin ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte ang kalahagahan ng edukasyon bilang isang paraan para mabawasan ang kahirapan.

Nauna rito, pinangunahan ni Duterte ang paglulunsad ng “PagbaBAGo: A Million Learners and Trees” sa Mandaue City Sports Complex sa lalawigan ng Cebu, araw ng Sabado.

May kabuuang 1,000 backpacks na naglalaman ng school supplies at dental kits ang ipinamahagi sa mga mag-aaral ng Grades 1 at 4.

Layon ng Office of the Vice President (OVP) na ipamahagi ang isang milyon na school supplies at dental kits sa mga mag-aaral sa buong bansa hanggang 2018.

“Importante nga dunay pagplano sa pamilya, aron dili magbalik-balik ang kalisod sa inyong pamilya,” ayon kay Duterte.

Hinikayat naman nito ang mga magulang na panatilihin ang kanilang mga anak na malayo mula sa masasamang elemento.

“Unang-una na dinha ang kriminalidad. Ikaduha, naa dinha ang droga. Kaning duha makadaot sa kaugmaon sa mga anak ninyo ug makadaot pod og pamilya,” dagdag na wika ni Duterte.

Ang programa ay sabay-sabay na inilunsad sa pamamagitan ng OVP satellite offices sa Davao, Zamboanga, Surigao, Tacloban, Bacolod, Dagupan, Isabela, Bicol Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at sa extension office sa Lipa City, Batangas.

Katuwang ng tanggapan ni Duterte ang Department of Environment and Natural Resources na naglalayong magtanim ng 1 milyong puno sa buong bansa.

Samantala, pinasalamatan naman ni Mandaue Mayor Jonas Cortes si Duterte para sa pagpili ng mga estudyante sa kanyang lungsod at nangako na suportahan ang inisyatiba. Kris Jose

Previous articleInflation inter-agency body binuo ni Bongbong
Next articleTODA workers sa Pampanga inyudahan ni Bong Go

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here