Home NATIONWIDE Milyong turistang Kano sa 2024 target ng Pinas

Milyong turistang Kano sa 2024 target ng Pinas

MANILA, Philippines – TINITINGNAN ng Pilipinas na itaas ang bilang ng mga American visitors sa bansa ngayong taon at paabutin ng milyong bisita sa gitna ng ‘renewed ties’ sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa isang dayalogo kasama ang mga Filipino journalists na nagpartisipa sa Friends, Allies, Partners Program at the Philippine Consulate sa New York, sinabi ni Tourism Attaché Francisco Lardizabal na habang ang American tourists ay ‘ranked second’ lamang sa South Koreans pagdating sa bilang ng mga bisita “the US contribution was bigger… in terms of receipts.”

Makikita sa data ng Department of Tourism na ang South Koreans ay mayroong 26.62% o 1.45 milyong bisita sa Pilipinas mula sa kabuuang 5.45 milyong foreign tourists noong 2023.

Pumangalawa naman ang Estados Unidos na may 16.57% o 903,299 bisita.

Gayunman, pagdating sa visitor receipts, tourism revenues ang mga amerikano ang pinakamataas na may P35.46 billion, sumunod ang Australians na may P17.74 billion at South Koreans na may P16.41 billion.

“This is the importance of the American market. While the arrivals are fewer, the contribution to the tourism receipts is bigger,” ayon kay Lardizabal.

“Because Americans spend higher and stay longer,” dagdag na wika nito.

Para ngayong taon, sinabi ng tourism attaché na inaasahan ng DOT na isang milyong bisita mula Estados Unidos, lumalagong bilang na”15% more or less.”

Tinuran ni Lardizabal na mayorya ng American travelers, 55.71% ay pawang mga dating Filipino habang ang natitirang 44% ay mainstream Americans.

“Those who are former Filipinos, of course, they are being motivated by… they have friends and relatives [in the Philippines],” ayon kay Lardizabal.

“What they are looking for is, what did the Philippines change when I left? Because that is what they want to see here in the Philippines… and then they venture around.” aniya pa rin.

Idinagdag pa nito na ang mga Filipino sa Estados Unidos ay maaaring makapaglibot sa Pilipinas.

Samantala, naghahanap naman ang mainstream American visitors para sa “more immersive dining experience.”

“They want to know the story about the food, how it’s prepared… or even having culinary experience by learning how to cook it,” dagdag na wika ni Lardizabal.

Kabilang naman sa ‘top destinations’ para sa mga American visitors ay ang Boracay, Palawan, at Siargao. Kris Jose