Home NATIONWIDE Minaltratong kasambahay sa Mindoro, isasailalim sa WPP – solon

Minaltratong kasambahay sa Mindoro, isasailalim sa WPP – solon

288
0
Snapshot from ABS-CBN

MANILA, Philippines – Inihayag ng isang mambabatas nitong Miyerkoles na isasailalim sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ) ang 44-year-old helper Elvie Vergara na nabulag matapos dumanas ng kalupitan at pang-aabuso sa kanyang employer sa Mindoro.

“’Yung kay Manang Elvie ay mayroon tayong paikot-ikot na security subalit…si Manang Elvie… e sinusubukan natin ngayon na ipasok sa Witness Protection Program (WPP). May proseso lang iyon,” ayon kay Senador Francis Tolentino.

Inimbestigahan ng Senado ang pagmamaltrato kay Vergara kaya’t isasailalim ang biktima sa WPP dahil kahit may protective security ito mula sa Senado, magagawa lamang ito hanggang may pagdinig.

“Puwede siyang itigil dito pero iyon ay hanggang sa mayroon lang tayo pagdinig. Mas malawak at malalim ‘yung Witness Protection Program na batas na pinasa rin ng Senado,” aniya.

Samantala, inihayag din ni Tolentino na nasa kustodiya na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group ng PNP ang saksi sa pagmamaltrato kay Vergara.

“Si alyas Dodong ngayon ay nasa CIDG at siya ay secured sa kamay ng CIDG sa Mindoro Oriental sa Calapan kasi nandoon ang tanggapan ng CIDG,” aniya.

Kamakailan, ilang di kilalang gunmen ang nagpapaputok sa bahay ni Dodong, ang pangunahing saksi sa kaso ni Vergara.

“According to Paluan Police chief Police Major Rodrigo Borlado Jr., the perpetrator forcibly entered the house of the witness, shot at the direction of the witness twice, and fled,” ayon kay Tolentino.

Kinikilala pa ng awtoridad ang suspek na nakasuot ng bonnet nang maganap ang pamamaril.

Ayon kay Tolentin, nakatakdang tumestido si Dodong sa Senate panel na nag-iimbestiga sa employer ni Vergara.

“Si Alyas Dodong ay tetestigo na nasaksihan niya ‘yung pagmamaltrato kay Elvie Vergara. Siya ‘yung tetesigo,” ani Tolentino.

“Mayroon pang isang testigo na aming nakuha na susubukan na rin namin protektahan ngayon pero hindi ko pa mabanggit. Itong testigong ito ay hindi lang nasaksihan ‘yung marahas at malupit na pagtrato kay Manang Elvie kung hindi siya mismo ay nakaranas din ng ganon,” dagdag pa ng senador. Ernie Reyes

Previous articleEDCA sites sa Cagayan, Pampanga binisita ng PH, US officials
Next articleAbogada itinumba sa Abra

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here