Home NATIONWIDE ‘Minimal’ agri damage inaasahan sa hagupit ni ‘Goring’ – DA

‘Minimal’ agri damage inaasahan sa hagupit ni ‘Goring’ – DA

501
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na “minimal” agricultural damage ang inaasahan nito mula kay super typhoon Goring, na nanalasa sa ilang lalawigan sa northern Luzon.

Bagama’t hindi pa pumapasok ang ibag ulat, sinabi ni DA Field Operations Service Director U-Nichols Manalo na may parehong landas si Goring kay Egay.

Hindi pa nakababangon ang Egay-affected farmers mula sa kanilang pagkalugi, at inaasahang mag-iiwan ang panibagong bagyo ng karagdagang pinsala.

“‘Yung areas, medyo same path ni Goring. ‘Yung mga magsasaka, hindi na sila nagtanim, ang pinaghahandaan ng dry cropping season, which will start September 16,” ani Manalo.

Hindi nagkomento ang ahensya kung makaaapekto ang pinsala sa presyo ng bigas, na sumisirit sa mga pamilihan.

Subalit, kumpiyansa si Manalo sa price stability ng bigas sa pagpasok ng Pilipians sa harvest season.

“Harvest season naman ngayon, maraming supply, bababa sa market, pero kailangan i-consider inputs sa market,” sabi niya. RNT/SA

Previous articleUnang araw ng COC filing mapayapa – PNP
Next articlePubliko pinag-iingat sa panibagong bagyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here