Home NATIONWIDE Minorya sa Kamara bukas sa paggamit ng nukleyar

Minorya sa Kamara bukas sa paggamit ng nukleyar

201
0

Manila, Philippines – Bagama’t nasa oposisyon sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ay bukas si Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Binigyang diin ni Herrera na mahalagang maikunsidera ang panukala ng Estados Unidos habang nagsasagawa ang Pilipinas ng kaukulang pag-aaral, engineering assessments, safety evaluations, at economic analysis bago ang ganap na pagdedesisyon.

“I am keeping an open mind on the suggestions of the United States to add nuclear energy from small nuclear reactors into the future energy mix of the Philippines. The key words here are ‘add’ and ‘suggestions’,” ayon kay Herrera.

Paglilinaw pa ng mambabatas na hindi ito ang kauna-unahan na nagpanukala ang Estados Unidos dahil ang muling paggamit ng nuclear energy ay napag–usapan na ng mga nakaraan.

Banggit pa ng kongresista na may inaayos na “nuclear energy study tour” ang administrasyon Biden-Harris para sa mga Filipino legislators na ayon kay Herrera ay magandang pagkakataon upang makapangalap ng impormasyon.

“I am keeping an open mind also because we have yet to conduct the necessary and new feasibility, engineering, safety, and economic studies. These studies will take a few or several years depending on the availability of funds and on interest among investors and financiers. We have also yet to see the revisions to the Philippine Energy Plan so we can appreciate the big picture of how much, in the long term, nuclear energy will be as a part of the total mix of energy sources.”

Advertisement

Binigyang diin pa ni Herrera na ang ng maikunsidera ang “diversified energy mix” gaya ng paggamit ng nuclear energy.

Kinalampag din nito ang Department of Energy upang maglahad ng kanilang plano ukol sa pagpapakilala at pagpapaunaw sa paggamit ng nuclear energy gayundin kung paano mababawasan ang coal energy at pagtaas naman ng paggamit sa renewable sources gaya ng solar, wind power, hydropower, geothermal, at biogas.

Mungkahi ni Herrera na maaari aniyang maglagay ng mga small nuclear reactors sa mga ligtas na lugar sa Mindoro, Bicol, Panay Island, Northern Mindanao, Northeastern Mindanao, at Western Mindanao kung saan madalas na maranasan ang kakapusan sa suplay ng kuryente.

Dapat din aniyang matiyak na ang mga lokasyon ay malayo sa earthquake faults at storm paths, at hindi sakop ng tinatawag na “integrated protected areas at nature sanctuaries.”

Pagdating sa pondo ay hinikayat ni Herrera ang private sector na sumangkot sa investment ng small nuclear reactors sa halip na umasa sa pondo ng gobyerno.

“If the Department of Energy wants the Expanded Build-Operate-Transfer Law amended to calibrate it for the nuclear energy program, I will also be open to considering their ideas and suggestions. DOE should be ready with its legislative proposals relative to the nuclear program. We need a starting point and working documents.” Meliza Maluntag

Previous article28 sugatan sa banggaan ng 2 barko sa Cebu
Next article5 bebot timbog sa droga

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here