Manila, Philippines -Nang napanood ni Misha Fabian si Ashley Ortega, na bida sa Hearts On Ice bilang figure skater, na-inspired ang una na pasukin ang showbiz under Artist Circle management ni Rams David.
Isa ring figure skater si Misha, na ahead pa kay Ashley, na sumali rin sa international competition. Kaya nang na-meet niya ang talent manager na si Rams, hindi na siya nagdalawang isip na magpaalaga rito para matupad ang dream niyang maging actress at TV host din.
Bukod sa figure skating, magaling ding pop singer si Misha, na paborito si Lady Gaga. Kaya hindi kataka-taka na isa siyang biritera.
Sa ngayon, isa rin siyang lounge singer sa isang 5-star hotel. Nag-aaral din siya sa graduate school ng Ateneo De Manila University sa kursong International Studies.
Na-meet namin si Misha through Rams sa 25th birthday celebration niya na ginanap sa magarbong Top Of The Alpha, 34th floor Alpha Land Corporate Tower sa Ayala Ave., Makati.
Dumalo ang closest friends ni Misha na karamihan ay mga classmates niya nu’ng elementary, high school at college sa Ateneo de Manila University. Dumating din ang co-talents niya sa Artist Circle na sina singer-pianist Khelvin Almario at si Prince Keino (umawit ng pop song na YK).
Kasama na bumati sa mga guest ang kanyang mga magulang na sina Dodjie and Sharon Fabian.
Inawit ni Misha ang unforgettable song ng kanyang paboritong singer na si Lady Gaga, ang Always Remember Us This Way, mula sa movie, Star Is Born. Inawit din ng birthday celebrant ang Christmas song na Grown Up Christmas List with live accompaniment in piano ni Khelvin Almario.
Samantala, si Khelvin ang nag-piano at umawit ng version niya ng Pinoy classic song, Ang Aking Awitin, na pinasikat ni Bong Gabriel. Noel Asinas