Home METRO Misis itinumba ng asawang pulis

Misis itinumba ng asawang pulis

MANILA, Philippines – Patay ang isang misis nang barilin ng asawang pulis sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong Sabado, Pebrero 3.

Kinilala ang suspek na si Police Staff Sgt. Julius Santillan Ocariza.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na paulit-ulit na pinaputukan ni Oariza ang asawang si Fredellen, hanggang sa ito ay mamatay.

Narekober ng pulisya ang tatlong fire cartridge cases at dalawang fire bullets mula sa 9mm pistola sa crime scene.

Nakatakas si Ocariza ngunit kalaunan ay naaresto ng mga awtoridad.

Kinondena ni Zamboanga City Police Office Operations Officer Police Major Albert Alfaro ang naturang pagpatay. RNT/JGC

Previous articlePlebisito ‘di pwedeng idaos kasabay ng regular na eleksyon – Comelec
Next article2,500 titulo ng lupa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng agrarian reform sa Davao City