Home METRO Misis, itinumba sa Pangasinan

Misis, itinumba sa Pangasinan

PANGASINAN-Patay ang isang misis matapos na barilin ng isang lalaki sa Sitio Gueteb, Brgy. Apaya, Malasiqui ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 5.

Kinilala ng Malasiqui Municipal Police Station ang biktima na si Marilou Boquiren Abalos, 32, may asawa, residente ng naturang barangay.

Nakilala naman ang suspek na si Armand Macob Mendoza, 37, may live-in partner, walang trabaho, residente ng Brgy. Gomez, Malasiqui, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na nakasakay sa kulay blue na Sym motorcycle ay bumibiyahe papuntang silangang direksyon sa barangay road ng naturang barangay nang barilin ng suspek gamit ang isang short firearm.

Matapos ang pamamaril, ang suspek ay pumunta sa bahay ng kanyang live-in partner at kinuha nito ang kulay green na Yamaha Mio saka mabilis na tumakas papuntang silangang direksyon.

Ang biktima na nagtamo ng mga gunshot wounds ay agad na dinala sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City, Pangasinan.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen. Rolando S. Gamoso

Previous articleRomualdez ‘di nakikipag-away kay VP Sara sa confi funds
Next articleMakabayan bloc pinatutsadahan ni Bato sa pagkwestyon sa confi funds