Misis ng aktor na si Idris Elba na si Sabrina, nagpositibo rin sa COVID-19

Misis ng aktor na si Idris Elba na si Sabrina, nagpositibo rin sa COVID-19

March 23, 2020 @ 12:06 PM 2 weeks ago

  • 9
  •  
  •  
    9
    Shares
Share

London — Ibinunyag ng misis ng “Thor” actor na si Sabrina na maging siya ay nagpositibo na rin sa COVID-19.

Sinabi ng 30-anyos na modelo ang nararanasan nito ngayon sa online series ni Oprah Winfrey na “Oprah Talks”. “Actually, I found out this morning, Oprah, that I tested positive,” aniya sa isang Facetime interview.

Nang tanungin kung bakit hindi siya dumistansya sa asawa matapos itong magpositibo sa virus, iginiit ni Sabrina na, “I wanted to be with him. That’s the instinct of a wife. You want to go and take care.”

Subalit, ibinahagi pa niyang hindi siya nakakaranas ng anumang sintomas mula sa virus. “I don’t feel anything that would come to what people would now expect to be a symptom of coronavirus, which is really strange,” sinabi pa ni Sabrina. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...