Home METRO Misis tigok sa bigti

Misis tigok sa bigti

ILOCOS SUR- Patay ang isang 50-anyos na misis sa Vigan City ng lalawigang ito matapos na magbigti kagabi, Enero 16.

Mismong ang dalawang anak nito ang nakadiskubre sa biktimang may tali sa leeg na nakabitin sa sala ng kanilang bahay.

Ang biktima ay idineklarang dead on the spot ni Dra. Debbie Jane Prudencio ng City Health Office.

Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang rason ng pagpapakamatay ng biktima. Rolando S. Gamoso

Previous articleHuthis ituturing na terrorist group ng US
Next articleP5M ismagel na mga gulay, prutas nadiskubre sa mga warehouse sa Maynila