Home METRO Misis todas sa kidlat

Misis todas sa kidlat

PANGASINAN- Patay ang 33-anyos na misis matapos tamaan ng kidlat sa Brgy. Tococ-Barikir, Mangatarem ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Myrna Soriano y Bachar, 33, may asawa, residente ng naturang lugar.

Bandang alas-4:30 ng hapon kahapon nang matagpuan ni Ricky Bachar y Çariño, 27, kapatid ng biktima, ang kanyang ate na patay na sa ilalim ng puno ng mangga.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay pansamantalang sumilong sa ilalim ng puno ng mangga matapos abutan ng malakas na ulan.

Gayunman, ang biktima ay tinamaan ng kidlat na ikinasawi nito. Rolando Gamoso

Previous articleMaharlika Fund, magiging fully operational ngayong 2023 – Diokno
Next articleBenepisaryo ng food stamps program, sasanayin sa ilalim ng DA, DTI – DSWD