Home NATIONWIDE Missile attack ng Iran sa Iraq kinondena ni Pope Francis

Missile attack ng Iran sa Iraq kinondena ni Pope Francis

Kinondena ni Pope Francis ang Iranian missile attack sa Kurdistan region sa northern Iraq at hinimok ang lahat ng partido na iwasan na lumalabas ang hidwaan sa Middle East.

Ang strike ay nagpalalim ng mga alalahanin tungkol sa lumalalang kawalang-tatag sa buong Gitnang Silangan mula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7, kung saan ang mga kaalyado ng Iran ay pumasok din sa labanan mula sa Lebanon, Syria, Iraq at Yemen.

“I express my closeness and solidarity with the victims, all civilians, of the missile attack that hit an urban area of Erbil, the capital of the autonomous region of Iraqi Kurdistan,” sinabi ni Francis sa kanyang  weekly audience sa Vatican.

“Good relations between neighbors are not built with similar actions, but with dialogue and collaboration. I ask everyone to avoid any step that fuels tension in the Middle East and other war scenarios,” dagdag pa ng papa.

Nanawagan si Francis ng panalangin para sa “maraming biktima ng digmaan”, partikular na binanggit ang Ukraine, Gaza at iba pang teritoryo ng Palestinian, at Israel. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDOLE didiskarte pampondo sa livelihood plan ng apektadong tsuper, operator
Next article187K residente hagip ng baha, guho-lupa sa shear line