Home METRO Mister arestado sa baril, bala at droga

Mister arestado sa baril, bala at droga

MANILA, Philippines – INARESTO ng pinagsanib na pwersa ng Tiaong Police Station ang isang mister matapos na makumpiskahan ng baril, bala at droga nang salakayin ang tahanan nito sa bisa ng Search Warrant kaninang umaga, Agosto 26 sa Sitio Villa, Barangay San Juan, Tiaong, Quezon.

Ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Tiaong Police Station hinggil sa paglabag sa kasong RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs) ay kinilalang si Israel De Vero Villegas, 37, residente ng nabanggit na lalawigan.

Batay sa report ng Tiaong Police Station Kay PCol Ledon Monte Provincial Director ng Quezon Provincial Police Office, dakong alas-6:40 ng umaga nang salakayin ang bahay ng suspek sa bisa ng Search Warrant kung saan narekober umano sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol na naglalaman ng anim na pirasong bala, isang Improvised Shotgun at limang pirasong heatsealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa 2.8 gramo ang timbang.

Tinatayang nagkakahalaga ito ng P57,120.

“Patuloy tayong naglalatag ng malawakang peace and order operations bilang preventive measures at sa pinaigting na paghahanda natin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023. Ang ating pakikipag-ugnayan sa pamayanan ay susi upang sugpuin ang anumang banta sa ating komunidad ng mga taong lumalabag sa batas,” ayon Kay PCOL Monte. Ellen Apostol

Previous articleOutbreak ng ASF naitala sa isla sa Palawan
Next articleDrug suspect timbog sa manhunt ops sa Pasay