Home METRO Mister na most wanted sa tangkang pagpatay, nalambat sa Navotas

Mister na most wanted sa tangkang pagpatay, nalambat sa Navotas

194
0

MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang mister na listed bilang most wanted sa tangkang pagpatay matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Dan Li Davadilla, 47 ng 40 Interior T. Gonzales St., Brgy. San Jose.

Ayon kay Col. Umipig, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpone Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan at Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa kanyang bahay, dakong alas-3:10 ng hapon.

Ani Col. Umipig, ang akusado ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa bisa warrant of arrest was na inisyu ng Regional Trial Court Branch 170, Malabon City, para sa kasong Attempted murder.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Boysan Buenaventura)

Previous articleMother tongue-based education pinag-eksperimentuhan –Gatchalian
Next articleMilitary cooperation ng Pinas at Italy pagtitibayin pa – envoy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here