Home METRO Mister na nag-amok patay sa rumespondeng pulis

Mister na nag-amok patay sa rumespondeng pulis

BENITO SOLIVEN, Isabela – Hindi na umabot ng buhay ang isang mister na nag-amok matapos pagbabarilin ng mga rumosponde pulis sa District 1 dito sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Barangay Kagawad Marivic Cauilan ng District 1, Benito Soliven, Isabela na may ilang saksi ang nakakita sa naturang supek na pumasok sa isang bahay at nakakuha ng itak na kaniyang ginamit na armas sa pag-aamok.

Dahi sa ginagawa nitong panghahabol ng itak ay natakot ang mraming residente kung saan ay nagawa pa nitong tagain ang isang tricycle kung saan maswerteng nakatakbo ang driver na siya namang nagsumbong sa mga pulis na agad rumesponde sa naturang lugar.

Pagdating ng mga pulis ay nadatnan ang suspek na may hawak na bato at itak saka hinabol ang mobile, nang huminto ang sasakyan ay sumakay naman umano ang suspek subalit tinaga nito ang salamin sa likuran ng driver at nabasag bumaba pa umano ulit sa mobile ang suspek bago muling ng habol ng taga.

Dito na pinaputukan ang suspek na nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang paa subalit sa halip na tumigil ay patuloy pa rin nitong hinabol ang mobile kaya naman napalitan ang mga rumespundeng pulis na muling paputukan ang suspek.

Dinala naman ito sa pagamutan subalit idineklara ng dead on arrival ng attending physician.

Sa ginawang pagsusuri ng naka-duty na doctor na si Dr. Irene Badog may tatlong open wound ang suspek sa dibdib, singit at binti na posibleng sanhi ng agarang kamatayan ng biktima. Rey Velasco

Previous articleRail projects sa Pinas bibilisan ng DOTr
Next article3 NPA patay sa sagupaan sa Negros