Mister na naggala sa Italy kasama ang #2, bistado nang magpositibo sa COVID-19

Mister na naggala sa Italy kasama ang #2, bistado nang magpositibo sa COVID-19

March 21, 2020 @ 12:34 PM 3 weeks ago

  • 7
  •  
  •  
    7
    Shares
Share

UK – Bistado ang isang businessman matapos magpositibo sa COVID-19 mula sa umano’y ipinaalam na business trip.

Ayon sa businessman na hindi pinangalanan, sinabi nito sa asawa niya na pupunta siya sa isang business trip sa may UK ngunit ang totoo, mayroon siyang romantic vacation sa Italy kasama ang kanyang mistress.

Pag-uwi niya ng bahay ay agad siyang nakaranas ng sintomas ng COVID-19 at nagpositibo batay sa pagsusuri.

Sinabi nito sa kanyang asawa na ‘domestically’ niya nakuha ang COVID-19.

“This patient is the talk of public health officials,” pahayag ng isang source sa The Sun.

“His case would be funny if it wasn’t quite so serious. The man confessed what he’d been up to in Italy, and that his wife has no idea. She thinks he just picked up the disease on his business trip away,” dagdag pa nito.

Ayon sa British tabloid, inamin ng businessman sa mga doktor na nagtungo siya sa Italy kasama ang kanyang mistress.

“He thought he had the perfect alibi to carry out his affair, but hadn’t reckoned on the coronavirus meltdown,” pahayag ng isa pa.

“The patient is just relieved he got home before flights were canceled — that would have taken some explaining. He’s in a blind panic, but more about his adultery being exposed rather than his health.” Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...