Home METRO Mister nag-birthday sa kulungan sa pagtutulak ng droga

Mister nag-birthday sa kulungan sa pagtutulak ng droga

SOLANO, Nueva Vizcaya – Sa kagustuhan magkaroon ng handa sa mismong kaarawan nito ay sumideline sa pagtutulak ng illegal na droga ang isang lalaki, subalit nahuli sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Purok 4, Brgy. Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay PMaj. Jolly Villar, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO, ang suspek ay kinilalang si Albert Galamay Victorino, 40 anyos, may-asawa, vendor at residente ng Brgy. Quezon, Nueva Vizcaya.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang tatlong pakete ng shabu, isang genuine P500 at limang tig-P500 boodle money kabilang ang P2,404.00, cellphone at kolong-kolong na Honda motorcycle na plakang BO32562 na sinakyan ng suspek.

Napag-alaman ang suspek ay siyang nag-susupply ng shabu sa Nueva Vizcaya.

Nahaharap sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous articleParak patay sa sagasa ng pick-up
Next article‘Ordinary hacker’ pinaghihinalaang nasa likod ng Facebook account breach ng PCG