MALLIG, ISABELA- Patay ang mister matapos na tamaan ng kidlat Barangay Centro 1, Mallig, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Fredirick Garro, residente ng nasabing lugar kung saan ay naulila nito ang walong buwang gulang na anak.
Halos lapnos at sunog ang ibang parte ng katawan ng biktima na sanhi ng tama ng malakas na kidlat.
Habang pinaglalamayan ang biktima ay humihingi ng tulong ang mga kamag-anak para mabigyan ng disenteng libing ang biktima dahil sa kakapusan sa pera ng mga mag-anak at pamilya nito. Rey Velasco