Home METRO Mister patay sa 5 NPA

Mister patay sa 5 NPA

TABOSO, Negros Occidental- GINAPOS ng mga kamay saka pinagbabaril ng limang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa loob ng kanyang bahay nitong Martes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Allan Macasling Sr., 55 anyos, at residente ng Sitio Banquerohan, Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental.

Ayon kay Police Major Jun Ray Batadlan, hepe ng Toboso Municipal Police Station, bigla na lamang nilapitan ng mga suspek ang biktima saka ito ginapos, dinala sa kanilang bahay at doon pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, limang armadong kalalakihan ang nasaksihan ng ilang residente at sinabing abusado ang biktima kaya nila ito pinaslang.

Bago tumakas ang mga suspek nagpakilala pa ang mga ito na kasapi ng NPA at nagpaputok pa ng baril.

Nabatid, na isang barangay kagawad sa kanilang lugar ang misis ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa suspek./Mary Anne Sapico

Previous articleMatataas na kalibre ng baril, bala’t magazine, narekober
Next articleBebot timbog sa pagbebenta ng pekeng PhilHealth ID