Home METRO Mister pinagbabaril sa harap ng bahay, patay

Mister pinagbabaril sa harap ng bahay, patay

MANILA, Philippines – PATAY ang isang 59-anyos na lalaki makaraang barilin sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. San Nicolas, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si alyas ‘Fernando’, 59, may-asawa, residente ng 363 Calbelo Subdivision ng nasabing lugar.

Tinatayang nasa 5’5 hanggang 5’8 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, ang suspek na nakasuot ng kulay green na cap, yellow red na t-shirt at gray na maong pants at armado ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril.

Batay sa report, bandang alas-12:50 ng hapon nang lapitan ng suspek ang biktima at malapitang binaril.

Matapos ang pamamaril, kaswal na naglakad ang suspek sa direksyon ng Molino Road.

Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) sa posibleng pagkakakilanlan sa suspek habang inaalam din kung ano ang motibo sa pagpatay. Margie Bautista