Home METRO Mister sinaksak ng napikon na misis

Mister sinaksak ng napikon na misis

MANILA, Philippines – Posibleng napikon umano ang isang ginang kaya nagawa nitong saksakin ng gunting ang live-in partner sa maselang parte ng kanyang katawan sa Ermita, Maynila.

Sa inisyal na ulat, napag-alamang nag-iinuman ang dalawa at naisipang mapagkwentuhan ang kanilang mga dating kasintahan.

Pero sa gitna ng kanilang pag-uusap, sinabi ng biktima sa pulisya na tila napikon ang kanyang live-in partner dahilan para saksakin ng gunting sa maselang bahagi ng katawan ng lalaki.

Ayon sa Ermita police, kasalukuyan silang nagpapatrolya nang makita ang biktima na tumatakbo kaya agad silang umaksyon at tinulungan ang biktima.

Dinala ang lalaki sa ospital upang agad na magamot ang tinamong saksak mula sa kanyang live-in partner.

Nang tanungin ng iba pang detalye at impormasyon ang Manila Police District – Public Information Office, sinabi ni P/Major Philipp Ines na nag-ayos na sa barangay pa lamang ang magkabilang panig.

Bahagya at hindi rin umano grabe ang tinamong sugat ng biktima kaya Wala na itong balak magsampa pa ng kaso sa kanyang misis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2 mananaya mula Nueva Ecija, Manila maghahati sa P70.8M jackpot sa Mega Lotto
Next articlePugot na ulo natagpuan sa ilalim ng tulay sa Cavite