Home METRO Mister utas sa selos

Mister utas sa selos

ILOCOS SUR-Tigok ang isang lalaki matapos magbigti sa Brgy. San Nicolas, Candon City ng lalawigang ito kahapon.

Ang biktima ay 37-anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.

Mismong ang bayaw nito ang nakadiskubre sa biktimang may tali ang leeg na nakabitin sa loob ng kuwarto nito.

Kauuwi umano ng bayaw nito at sa pagdaan nito sa tapat ng silid ng biktima ay nakita niya ang nakaawang nitong pintuan kaya sumilip siya rito ngunit nagulat na lang siya sa kanyang nakita.

Ayon sa biyenan ng biktima, ang kanyang manugang at misis nito ay mayroong hindi pagkakaintindihan dahil sa selos.

Nadiskubre umano ng biktima na may ibang facebook account ang kanyang misis. Rolando Gamoso

Previous articleHigit P1.1M tobats nakumpiska, tulak timbog Pasay buy bust
Next article2 wanted na bebot tiklo paglapag ng airport