Home OPINION MISTERYO NANG NAGLAHONG SIDE MIRROR NG KOTSE 

MISTERYO NANG NAGLAHONG SIDE MIRROR NG KOTSE 

NOONG Agosto 16,  nagtungo si Stephanie Padua Colocado at  tatlong kasama nito sa kakamBERTA Resto – isang kainan at inuman sa Navotas.
Bandang alas 11:45 ng gabi nang dumating sa nasabing establisyemento ang grupo para kumain, uminom at makinig  sa musika ng band entertainers doon.
 Ika ni Colocado, sila’y very thankful nang salubungin sila ng isang lalaki at itinuro ang harap ng kakamBERTA na safe umanong iparada ang kanilang sasakyan.
Ang lalaki ay napag-alaman nila kalaunan na si Ernan Perez, owner ng naturang fun establishment at kasalukuyang Chairman ng Barangay San Jose, Navotas.
Matapos ang dalawang oras sa loob ng resto ay lumabas na ang grupo at bago tuluyang makaalis ay napansin nila na nawawala ang buong right side mirror assembly ng kanilang sasakyan.
Bilang may-ari ng sasakyan, natural na unang reaksyon ni Colocado ay hanapin si Perez para magreklamo, ipaalam ang pangyayari dahil naganap sa harap mismo ng kakamBERTA.
Ang kakamBERTA ay nasa bisinidad  ng mataong Centennial park sa komersyo ring lugar ng   C4 Road pero  nakapagtatakang  walang nakakita sa pangyayari.
Public place ang lugar na sala-salabat, parito’t paroon ang pribado at pampublikong sasakyan pero wala ring CCTV  na maari sanang testigo sa nangyari sa sasakyan ni Colocado.
Kung may   CCTV man dahil national highway din ang C4 Road, ito’y hindi gumagana dahil mga sira, ayon kay Perez na inaming pati ang kanyang kakamBERTA ay wala ring CCTV cameras dahil under renovation.
Dahil walang CCTV camera sa lugar,  hangga’t walang saksing lumalabas na magkukuwento ay mananatiling misteryo ang nawawalang side mirror assembly ng sasakyan ni Colocado.
Previous articleDENGUE AT LEPTOSPIROSIS, SAGOT NG PHILHEALTH
Next articlePAPA LARRY GADON