MISTERYO NINA FATHER AT SISTER ANGIE (IKA-18 LABAS)

MISTERYO NINA FATHER AT SISTER ANGIE (IKA-18 LABAS)

June 28, 2020 @ 8:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Alas-4 ng umaga kung umupo si Father P. sa kanyang laptop upang tanggapin ang video call ni Angel.

‘Yun pala, bago matulog sa gabi si Angie, kinukumusta niya ang kanyang ama-amahan.

Ito naman ang oras na naghahanda na sa unang misa sa simbahan si Father P.

Tuwing alas-5:00 siya nagmimisa.

Tama lang na matapos ang misa at mga kamustahan, pagbati at pag-uwi ng mga parishioner, susunod na ang mga pasukan sa eskwela, opisina, pabrika o pagbiyahe para mamasukan.

“Musta naman kayo riyan ng Mommy mo?”

“Okay lang Papa. Hindi naman nagkakasakit si Mommy!”

Ang pag-aaral ni Angel ang pangunahing tinatanong ni Father P.

Concerned na concerned din si Father P. sa mommy ni Angel?

“Ikaw pari ka, ha!” bulong ko sa sarili ko.

Habang tumatanda si Father P., naiinlab sa ina ng kanyang anak-anakan?

Ito kasing mommy ni Angel, umaastang misis ni Father P tuwing Kapaskuhan!

Hindi naman imposibleng ma-in love ang pari kay Mommy na tila walang minahal kahit sino.

No boyfriend since birth yata si mommy.

Kaya nang makuha na niya si Angie, lalo itong walang panahon sa kalalakihan.

Ako nga, kung may pagkakataon lang, aba, pinalitan ko na si Sister Angie.

At si mommy na ang kapalit.

Si mommy kasi, parang kasing-flawless ni Sister Angie.

Kung magsasalita ito, parang si Sister Angie rin.

Malalim, pili ang mga salita at higit sa lahat, wala kang maramdamang pagmamalaki nito o kayabangan.

Kahit pa ginagawang parang Quiapo-Sta. Cruz, Manila lang ang layo ng Pilipinas sa Europa kung magbiyahe ito na karay-karay lagi si Angel.

Apat na taon ding ganoon at ganoon ang drama sa buhay nina Father P, mommy at Angel.

At saksi ang sakristan sa karupukan, ehek, kabanalan ni Father P.

ITUTULOY

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...