MISTERYO NINA FATHER AT SISTER ANGIE (IKA-19 LABAS)

MISTERYO NINA FATHER AT SISTER ANGIE (IKA-19 LABAS)

June 29, 2020 @ 8:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Abot-tainga ang ngiti ni Father P. sa balita ni mommy.

Cum Laude raw si Angel sa isang unibersidad sa Italia.

“Maalala mo ‘yung batang pumupunta rito na maganda at ampon ng palasimbang ina niya?” tanong ng pari sa akin.

“Oho. Bakit po?”

“Cum Laude pagka-graduate niya.”

“Aba, Father, alaga ninyo ‘yun a.”

“Oo.”

“Nagpapadala nga ako sa kanya kahit niya kailangan. ‘Yun pala, iniipon niya raw para sa iniisip niyang kabuhayan kung magkikita sila ng kanyang tunay na ina.”

“Aba, mabait nga ‘yun!”

“Ibig sabihin, alam niyang adopted siya ng Mommy niya?”

“Oo. Mula pa sa pagkabata, kilala na niya ang kanyang tunay na ina.”

“Nagpapagatas daw sa kanya ang ina niya bago siya kunin ng bagong mommy niya!”

“Maganda ho kung ganoon!”

“Kilala ba ninyo ang tunay niyang ina, Father?”

“Oo naman, naroon siya noong nandoon tayo sa Christmas party ng mga bata. ‘Di ba may mga magulang noon doon ngunit hindi sila nagpapakilala sa kanilang mga anak?”

“Di ko alam ‘yun, Father. Ang alam ko, pawang mga nangungursunada ng maaampon o kaya naroroon ang mga ina para magsilbing halimbawa ng pag-aalaga sa mga bata.”

“Maaari, kahit kasi babae ang mga madre roon, iba pa rin ang mga babaeng nagkakaanak. Ang mother’s instinct nila, tunay nilang naipakikita. Ang mga madre, puro instinct lang,” sabay halakhak ni Father P.

Hmmm! Iba kung humalakhak ngayon si Father P.

ITUTULOY

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...