Home NATIONWIDE Misteryosong pagkamatay ng 100 pato sa Koronadal iniimbestigahan na

Misteryosong pagkamatay ng 100 pato sa Koronadal iniimbestigahan na

194
0

MANILA, Philippines – Nagkasa na ng imbestigasyon ang City Veterinary Office (CVO) kaugnay sa misteryosong pagkasawi ng mahigit 100 pato sa isang barangay sa Koronadal City.

Ayon sa may-ari ng duck farm na si Jose Gaje ng Barangay Gen. Paulino Santos, sinabihan siya umano siya ng caretaker nito na lumalangoy lamang sa mini-pond ang mga pato nang bigla na lamang namatay isa-isa.

Ani Gaje, karaniwang gumagala ang mga alaga niyang pato sa kalapit na palayan para maghanap ng mga nalalaglag na palay.

“It’s a big loss on my part but what puzzles me is how and why it happened,” sinabi ng may-ari, sabay-sabing posible rin umano ang pananabotahe sa pangyayari.

“If they were not poisoned, why did they die almost at the same time suddenly and quickly?,” dagdag pa ni Gaje.

Hinala naman ng CVO ay kontaminado ng nakalalasong kemikal ang tubig kung saan lumangoy ang mga bato. RNT/JGC

Previous articleBagong Bossing Center, inilunsad sa PITX!
Next articleNBI chief De Lemos humingi ng tawad sa ‘sexy dance’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here