Home NATIONWIDE Misteryosong pagkamatay ng mga baboy sa Palawan iniimbestigahan na

Misteryosong pagkamatay ng mga baboy sa Palawan iniimbestigahan na

MANILA, Philippines – Nagpadala na ng disease surveillance team ang provincial veterinary office ng Palawan sa dalawang bayan sa probinsya para imbestigahan ang misteryosong pagkamatay ng mga baboy sa ilang babuyan doon.

Nagpadala na ng grupo sa mga barangay ng Cocoro at Balaguen sa bayan ng Magsaysay at Coron noong nakaraang linggo, makaraang makatanggap ang Provincial Veterinary Office (PVO) ng report ng pagkamatay ng mga baboy, sinabi ni officer-in-charge Dr. Darius Mangcucang nitong weekend.

Ang imbestigasyon ng PVO sa pagkamatay ng mga baboy ay nagsimula sa isang “anonymous tip.”

Aniya, ang surveillance group ay kokolekta ng sample ng dugo at ipadadala sa Bureau of Animal Industry (BAI) para alamin ang sakit o kung Asian swine fever (ASF) ang nakapasok sa Palawan.

“The current issue is centered on Cocoro Island. We cannot dispense information without confirmation. Our response included promptly dispatching a surveillance team and conducting a thorough disease investigation. Blood samples were also taken on the island and are scheduled for submission to the BAI,” aniya.

Ang Cocoro Island ay isolated para mapigilan ang posibilidad ng hawaan ng sakit hanggang sa hindi pa makukumpirma kung anong sakit ang nakapasok dito.

Ipinaliwanag naman ni Mangcucang na inalerto na ang municipal ASF task forces sa dalawang bayan, batay sa panuntunan ng Provincial Ordinance No. 2846, o “Bantay ASF sa Barangay.”

Ipinagbabawal ang pagbiyahe sa mga buhay na baboy at pork products mula sa mga kalapit na munisipalidad, patungo sa lugar ng Cuyo at Magsaysay.

“We have established boundary checkpoints, and at the points of entry, we have added foot baths so that those disembarking will step into the disinfectant. I’ve also sent additional disinfectants,” ani Mangcucang.

Idinagdag niya na, “in such cases, we will cordon off the area, even if we don’t yet know the nature of the disease. Allowing it to spread could result in spillage.”

Ang munisipalidad ng Cuyo at Magsaysay ay malapit sa Panay Islands sa Western Visayas kung saan maraming mga lugar ang apektado na rin ng ASF. RNT/JGC

Previous articleGatchalian nais ng sariling charter para sa ERC
Next article2 tulak tiklo sa P476K shabu sa Laguna