Home METRO Miyembro ng Akyat-Bahay Gang tiklo sa Malabon

Miyembro ng Akyat-Bahay Gang tiklo sa Malabon

210
0

MANILA, Philippines – NAKORNER ng pulisya ang isang hinihinalang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” na nabigong makakulimbat ng salapi at alahas matapos abutan ng may-ari sa loob ng pinasok na bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Hulyo 4.

Mahaharap sa kasong pagnanakaw ang gang suspek na si Francisco Vasquez, Jr. 40, ng De Guia Compound, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela.

Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio “Pojie” Penones, Jr. kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, umalis ng bahay si Leonardo Ubal, 40, kasama ang buong pamilya upang magliwaliw.

Walang iniwang salapi at alahas ang buong pamilya sa kanilang tirahan sa Mabolo St. Brgy. Santulan bago umalis, maliban sa naiwang cellulllar phone na nagkakahalaga ng P5,500 at sinigurong sarado ang mga pintuan.

Nang matunugan ng suspek na walang tao sa bahay, dito na niya puwersahang binuksan ang pintuan sa likod at sinimulang maghalughog subalit wala siyang makulimbat maliban sa mobile phone.

Gayunman, nang papatakas na ang suspek ay naabutan siya ng may-ari ng bahay, dakong alas-2:30 ng madaling araw kaya agad humingi ng tulong si Ubal kina P/SSg Cesar Bandol at P/SSg Ron John Galangco, ng Malabon Police Sub-Station 3, na nagresulta sa pagkakadakip kay Vasquez at nabawi sa kanya ang kinulimbat na cellular phone. Boysan Buenaventura

Previous article7 bangkay ng 10 pamilyang inanod sa ilog sa Malaysia, narekober
Next articleIsa sa mga employer ng pinatay na kasambahay, hinuli sa obstruction of justice

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here