Home METRO Miyembro ng Basag Kotse Gang patay sa shootout

Miyembro ng Basag Kotse Gang patay sa shootout

MANILA, Philippines – Patay ang pinaghihinalaang miyembro ng Basag Kotse Gang sa engkwentro sa mga pulis sa Barangay Santo Cristo Norte, Gapan City, Nueva Ecija.

Nagsasagawa ng “Oplan: Sita” ang mga awtoridad nang parahin nila ang isang lalaki na kinilala sa alyas “Mulangaw,” 31-anyos, na nagmamaneho ng motorsiklo nang mapansin nilang may nakasukbit ditong baril.

Tumakas ang suspek na nagresulta sa isang habulan. Nagawang maharang ng mga pulis ang suspek pagdating sa Barangay Santo Cristo.

Sa halip na sumuko, pinaputukan ni Mulangaw ang pulis na agad gumanti at napatay ang suspek.

Narekober sa lugar ang mga baril na may bala, 10 fired 9mm cartridge cases, apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, identification cards (IDs), at motorsiklo.

Ayon sa pulisya, sangkot si Mulangaw sa serye ng pambabasag sa bintana ng mga kotse at pagnanakaw sa mga ito, sa probinsya ng Bulacan, Gapan City at iba pang lugar. RNT/JGC

Previous articleLGBTQIA+ Special Committee nilikha ni PBBM
Next article5 pamilya apektado sa baha sa Cagayan