Home METRO Miyembro ng Cirilo Criminal Group, timbog sa boga

Miyembro ng Cirilo Criminal Group, timbog sa boga

MANILA, Philippines – NAAKTUHAN ng mga rumespondeng tauhan ng Tactical Motorized Riders Unit (TMRU) ng Manila Police District- Baseco Police Station 13, ang isang 32-anyos na miyembro ng tinaguriang “Cirilo Criminal Group” habang bitbit ang isang improvised na Shotgun sa Block 7 Old Site, Baseco Compound, Barangay 649. Port Area Manila, nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 21.

Kinilala ang suspek sa alyas “Royong,” binata, construction worker ng Baseco Compound, Port Area.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel (Mike) Gomez, Station Commander nauna nang naimpormahan sila sa tawag mula sa tanggapan ng Emergency 911 Code 108 hinggil sa tawag ng concerned citizen na may isang lalaki na nagsisisigaw sa kalye na armado ng sumpak.

Nang mamataan nito ang mga operatiba ng TMRU nagtatakbo papalayo si alyas “Royong” hanggang sa makorner ito.

Dahil dito, bago iharap kay PLt.Col. Gomez, isinailalim ito sa Medical Examination sa pinagdalhang pagamutan.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions) at alarm and scandal. Rene Crisostomo

Previous articleHigit 8M bata bakunado na vs measles, rubella – DOH
Next articleOVERALL TITLE AMOY NA NG BAGUIO