Home NATIONWIDE Miyembro ng Grease Gun Gang huli sa Kankaloo

Miyembro ng Grease Gun Gang huli sa Kankaloo

MANILA, Philippines – Dinampot ang isang miyembro ng tinaguriang “Grease Gun Gang” sa kanyang kuta sa Caloocan.

Timbog si “Egay” na nakumpiskahan ng isang semi-automatic grease gun na may 10 bala ng .9mm sa Phase 9, Package 4, Block 40, Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang.

May nagnguso na ginagawang sentro ng operasyon ng suspek at mga kasamang gunrunner ang nasabing lugar at nang makumpirma ito ay sinalakay ang pugad ng suspek.

Binulaga ng mga parak na armado ng search warrant galing kay Caloocan Regional Trial Court (RTC) Judge Glenda K. Cabello-Marin ng Branch 124 nitong Enero 26 ang lungga at hinuli ang suspek dahil sa armas na walang kaukulang dokumento. Merly Iral

Previous articlePrincipal sa Isabela natagpuang patay sa Cagayan
Next articleTemperatura sa Baguio, bumaba pa sa 11°C