Home METRO Miyembro ng NPA sa Agusan, sumuko

Miyembro ng NPA sa Agusan, sumuko

AGUSAN DEL SUR- SUMUKO sa tropa ng pamahalaan ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) mula Davao Oriental pati ang mga armas nito noong Miyerkules, Marso 21 sa lalawigan ito.

Ayon kay Police Major Jennifer S. Ometer, hepe ng Police Regional Office 13-Regional Public Information Office (RPIO), sumuko sa pamahalaan ang isang Ka Andie, 43, at mga armas nito na 3 shotgun na walang serial number, dalawang .357 revolver na walang serial number, at 31 bala.

Si Ka Andie, ay miyembro ng binuwag na Guerilla Front 34, Sub-Regional Committee 4 ng Communist Party of the Philippines-NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) na sangkot sa mga karahasan sa Agusan del Sur.

Sinabi ni Ka Andie, na napapagod na siyang mamuhay sa karahasan at nais na niyang ituwid ang buhay kasama ang pamilya at samantalahin ang programang alok ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Patuloy naman ang panawagan ng militar sa mga rebeldeng NPA na sumuko na sa pamahalaan at huwag sayangin ang kanilang buhay sa walang kabuluhan at tuluyan na nilang talikuran ang buhay rebelde na walang ibang hangad kundi ang karahasan. Mary Anne Sapico

Previous articlePBBM sa mga empleyado ng OP: Serve with excellence, integrity, compassion
Next article130K pasahero naitala sa PITX nitong Biyernes