Home METRO Miyembro ng robbery group nalambat sa Taguig

Miyembro ng robbery group nalambat sa Taguig

Arestado ang isang miyembro ng kilabot na Kelly Caluad Dongalo robbery group nitong bisperas ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Taguig.

Sa report na nakalap sa Southern Police District (SPD) ay kinilala lamang ang nadakip na suspect na si alyas Joseph na miyembro ng nabanggit na grupo na responsible sa pagnanakaw at car thefts sa Taguig at karatig lungsod at probinsya.

Sinabi ni SPD na hindi na ibinibigay ng buo ang pangalan ng mmga inarestong suspects sa media base na rin sa instructions ng nakatataas sa Philippine National Police (PNP).

Sa imbestigasyon ng Taguig City police, inaresto ang suspect sa harap ng basketball court sa Banai Compound, Purok 6, Barangay Lower Bicutan, Taguig.

Nauna rito ay nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Taguig police na may isang lalaking may dalang barail sa lugar.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Taguig police kung saan namataan nila ang suspect na may hawak ng baril at itinututok sa mga tao na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto dahil wala itong naipakitang gun ban exemption mula sa Commission on Elections (Comelec) at pagkakumpiska ng kanyang dalang baril na kargado ng bala.

Sa pagsasagawa ng beripikasyon at eksaminasyon sa nakumpiskang baril sa suspect na isinumite sa Firearms and Explosives Office sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay napag-alaman na ang suspect ay mayroong criminal record na robbery.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at ng Omnibus Election Code ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. (James I. Catapusan)

Previous articleKelot ihinabol sa Undas
Next article3 flying voters timbog sa Binondo