Home NATIONWIDE Miyembro ng “Sputnik Gang” swak sa baril at shabu sa Pasay

Miyembro ng “Sputnik Gang” swak sa baril at shabu sa Pasay

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng kilabot na “Sputnik Gang” ang inaresto ng mga tauhan ng Pasay City police Maricaban Sub-Station 7 makaraang mahulihan ng baril at shabu Miyerkules ng madaling araw (Enero 24).

Sa report ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. sa Southern Police District (SPD) ay nakilala ang suspect sa alyas lamang na Mar, 32.

Ayon kay Mayames, nadakip ng mga tauhan ng Maricaban Sub-Station 7 ang suspect dakong ala 1:45 ng madaling araw sa St. Claire St. in Maricaban, Pasay City.

Sinabi ni Mayames na bagomaganap ang pag-aresto sa suspect, naunang nakatanggap ng tawag ang estasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang lalaking nakasuot ng itim na sweater at asul na jogging pants na kakaiba ang ikinikilos at paikot-ikot sa nabanggit na lugar.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Maricaban Sub-Station 7 kung saan inabot nila ang suspect.

Sinita ng mga operatiba ang suspect at nakuhanan ito ng isang baril na kargado ng dalawang bala ng .9mm at 14 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 7.64 gramo at nagkakahalaga ng P51,952.

Agad na dinala sa custodial facility ng Pasay City police ang suspect kung saan ito nakapiit at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)

Previous article2 huli sa Las Pinas drug ops, P510K shabu nasamsam
Next articleSK kagawad hiniwalayan ng dyowa, nagpakamatay