Home NATIONWIDE MMDA enforcers gagamit na ng body cam simula Agosto

MMDA enforcers gagamit na ng body cam simula Agosto

226
0

MANILA, Philippines – Sisimulan nang gamitin ng mga traffic enforcer sa Agosto ang pagsusuot ng body cameras upang i-rekord ang kanilang pagsisita sa mga motoristang lalabag sa batas-trapiko, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes.

“Ang purpose po kasi nito ay one, for prevention po ng pangongotong dahil ito pong body-worn cameras ay na-mo-monitor real-time sa ating command center, at may tao tayong ia-assign para i-monitor po ito,” pahayag ni Artes nitong Miyerkules, Hulyo 5, kasabay ng pagpupulong kasama ang mga stakeholder nito.

“Pangalawa, proteksiyon ito sa mga motorista para kung gusto niyo i-contest yung pagkakahuli, at yung manner ng pagkakahuli kung may mga discourteous kaming mga empleyado,” dagdag pa niya.

Ani Artes, ang mga body camera, na nagkakahalaga ng P60,000 kada isa, ay may kakayahang makapagrekord ng video at tunog, dahilan upang maiwasan ang panunuhol ng mga motorsita.

“Yung per unit kasi parang pumatak siya nasa [₱]60,000. Pero may kasamang pong three-year subscription sa SIM card. Double SIM po ito, so may three-year po na kasama na subscription. Para po kasi naka-link po ito eh, may subscription siya ng simcard sa telco.”

Matatandaan na bumili ang ahensya ng nasa 120 body cameras sa ilalim ng P24 milyon na proyekto kung saan bibigyang prayoridad na mabigyan ang nasa 3,000 traffic enforcers na nagbibigay ng citation tickets.

Ang paggamit ng body camera na may anim hanggang walong oras na battery life, ay bahagi ng implementasyon ng single ticketing system. RNT/JGC

Previous articleImportasyon ng dagdag na 150K MT ng asukal inaprubahan ng SRA
Next articleBagong Bossing Center, inilunsad sa PITX!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here